Cayetano nagpahatid ng tulong sa Bulacan flood victims

0

MAHIGIT 300 resident ng Bulacan ang tumanggap ng tulong mula kay Senador Alan Peter
Cayetano nitong Miyerkules.


Hindi pa nakababangon ang mga residente mula sa perhuwisyo ng isang buwang pagbaha sa
probinsya dulot ng super typhoon Egay.

Nakipagtulungan ang Emergency Response Department (ERD) team ng senador sa
Department of Social Welfare and Development (DSWD) para magbigay ng tulong sa mga
biktima ng baha mula sa Calumpit, Hagonoy, at Lungsod ng Malolos.


Ang pagbibigay ng tulong ay ginanap sa Bulacan State University, Hagonoy Campus sa ilalim
ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).


Isa sa mga benepisyaryo si Christian Esguera, isang 43-anyos na may limang anak at
nagtatrabaho bilang timekeeper sa isang construction company.


“Kapag wala kaming trabaho, wala rin kaming inaasahang sweldo. Kaya po [nitong] nagdaang
kalamidad, dumanas po kami ng pagsubok sa pangangailangan sa pang-araw-araw,” aniya.


Ang malakas na pag-ulan na dala ng magkasunod na super typhoon Egay at typhoon Falcon,
na sinabayan pa ng enhanced southwest monsoon, ay nagdulot ng pagbaha sa maraming
bahagi ng Bulacan sa loob ng mahigit isang buwan. Ito’y sumira sa mahigit P500 milyong
halaga ng imprastraktura.


Nagpahayag din ng pasasalamat para sa natanggap na tulong si Ailene Sacris ng Malolos City,
isang stay-at-home mother na may tatlong anak.


“Gagamitin ko po ito para sa mga gastusin sa bahay. Uunahin ko po y’ung pagkain, bigas, y’ung
iba para sa bayad sa school,” aniya.


Ang ERD initiative ni Cayetano ay bahagi ng kanyang Bayanihan Caravan program, kung saan
nakikipagtulungan siya sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at mga local na pamahalaan
para maabot ang mga residenteng nangangailangan at matulungan ang iba’t ibang sektor na
umangat ang hanapbuhay.

About Author

Show comments

Exit mobile version