Holdaper sa Pasay City, nasakote sa Oplan Galugad

Share

Natiyempuhan ng mga pulis ang isang notoryus na holdaper na naglalakad at nag-aabang ng mabibiktima sa kahabaan ng Macapagal Avenue, Pasay City.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Romie”, 19-anyos.

Batay sa ulat ng Sub-station 10 ng Pasay City Police, dakong alas-8:15 ng umaga nitong Linggo nang madakip ang suspek sa pamamagitan ng Oplan Galugad/Mobile patrolling, makaraang may nag-tip na isang concerned citizen na nakita umano ang suspek na naglalakad na may dalang baril.

Tumakbo pa ang suspek nang makitang papalapit sa kanya ang mga pulis ngunit agad din siyang nakorner ng mga ito.

Nakuha kay alyas “Romie”, ang isang kalibre .38 na may serial number 773 488 na may anim na bala, isang itim na wallet na may iba’t ibang identification cards at ₱1,100 cash.

BASAHIN  Lalaki na most wanted sa Valenzuela City, arestado sa 'One time, big time' operation

Inamin naman ng suspek na may kasama siya sa panghoholdap na si alyas “Jamil.”

Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions Regulation Act at robbery/hold-up ang suspek.

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

Bagong Building Code, inaprubahan ng Kongreso

INAPRUBAHAN ng Kongreso noong Miyerkules sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill(HB) No. 8500, na naglalaman ng bagong National Building Code. Ayon kay Speaker...