33.4 C
Manila
Monday, January 20, 2025

Makati school supplies sa 14 Taguig schools, ok na

TUWANG-TUWA ang residente ng 10 barangay – na dating nasa Makati – na ngayo’y
nasa hurisdikyon ng Taguig, matapos iutos ng DepEd na ituloy ang pamamahagi ng
school supplies.


Ito ay pitong araw matapos na mag-take over ang DepEd o Department of Education,
sa pamamahala at superbisyon ng 14 na paaralan na naapektuhan ng boundary dispute
sa pagitan ng Makati at Taguig Cities.


Matatandaang inilipat kamakailan ng Korte Suprema ang pamamahala sa 10 Makati
barangays sa Taguig, matapos ang ilang dekadang pagdinig sa kaso.


Sa isang sulat kay Makati Mayor Abby Binay, sinabi ni DepEd Usec. at Chief of Staff
Michael Wesley Poa na inaprubahan ng ahensya ang kahilingan ni Binay na mamahagi
ng school supplies sa Taguig pati na paggamit sa pasilidad ng 14 na paaralan.

BASAHIN  Revillame, ‘wagi vs ABS-CBN


Ito ay bunsod nang pagsulat kamakailan ni Binay kay Vice President at DepEd
Secretary Sara Duterte. Humingi ng pahintulot si Binay na mamahagi ng school
supplies sa 14 na pampublikong paaralan na sangkot sa tug-of-war sa pagitan ng
dalawang lungsod.


Ang Makati school supplies ay ibinigay sa lahat ng 45,000 estudyante sa 14 na public
schools sa 10 dating barangay nito na: Pembo, Comembo, Cembo, South Cembo,
West Cembo, East Rembo, Pitogo, Rizal, Northside at Southside.


Pagdating sa Pembo Elementary School ng grupo ni Binay, alas-dos ng hapon, agad
nag-cheer ang mga magulang at estudyante na naghihintay sa kanya magmula pa ng
alas-10 ng umaga.


Sinabi ng ilang magulang na ang kalidad ng school supplies na natanggap nila sa
Makati ay hindi maikukumpara doon sa mga natanggap nila sa Taguig.

BASAHIN  5 vendors sa rambolan sa Barangay Kapasigan, sinampahan na ng kaso

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA