Dalawang driver na nagdawit kay Sen. Revilla sa EDSA bus lane violation, tiniketan at pinagmulta ng MMDA

Share

Inisyuhan ng ticket ng Metropolitan Manila Development Authority ang dalawang driver na dumaan sa EDSA busway, na gumamit sa pangalan ni senador Bong Revilla para makalusot.

Ayon kay MMDA acting chairman Atty. Don Artes, pinagmulta ang dalawa ng P5,000 para sa first offense, matapos ang ginawang paglabag sa EDSA bus lane.

Inamin ng mga sumukong driver na hindi nila pasahero ang mambabatas nang harangin sila ng MMDA traffic enforcer.

Sinabi pa ni Chairman Artes na hindi rin pag-aari ng senador ang dalawang sasakyan.

Isiniwalat pa ng mga nanghuling traffic enforcer na hindi talaga nila nakita na nasa loob ng sasakyan si Sen. Revilla, at naniwala lamang sa sinabi ng mga  driver.

BASAHIN  Bagong city development plan, inihahanda na; Bahagyang epekto ng Bagyong Ulysses naramdaman sa ilang lugar sa Pasig

Matatandaang nasuspinde si MMDA Task Force Special Operations Unit head Bong Nebrija dahil sa insidente.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

79-anyos na lola, binugbog ng anak dahil walang ulam

Lantang gulay ang isang 79-anyos na ina makaraang bugbuging ng sariling anak nang makitang walang nakahaing pagkain sa mesa, Biyernes ng gabi sa Barangay...