IPINAHAYAG ni Bureau of Immigration Commissioner Norman Tansingco na dumating
na sa bansa ang tatlong Pilipinong biktima ng scam at human trafficking noong Agosto
17, mula Bangkok, Thailand Ang tatlong biktima, edad 20-40, at kinabibilangan ng dalawang babae at isang lalaki.
Isa sa dalawang babae ay nagtungo kamakailan sa United Arab Emirates kasama ang
Pakistani boyfriend at tumira sa Dubai na may spouse visa.
Matapos tanggapin ang alok ng Dubai Group Job Hiring na US$1,000, siya ay
pinagrabaho sa Myanmar bilang bitcoin scammer at kinailangan niyang magbayad ng
60,000 Thai Baht o halos Php95,000 para payagang makabalik ng Pilipinas.
Umalis bilang OFW ang ikalawang babaeng biktima, na-recruit sa parehong paraan, at
pinagbayad din ng parehong halaga (pati na ang lalaki) para sa kaniyang kalayaan.
Sinabi ng lalaking biktima na sila ay pilit na pinatira sa isang lugar sa gitna ng gubat at
nagkaroon sila ng emotional trauma dahil sa pangamba sa kanilang kaligtasan.
Ayon sa isang psychologist, mas matindi ang long-term effects ng emosyonal na
pagpapahirap kaysa sa pisikal.
Binabalaan ni Tansingco ang mga gustong magtrabaho sa abroad na huwag maghanap
o tumanggap ng alok na naka-post sa social media at iba pang online platforms, dahil
marami rito ay mga sindikato.