33.4 C
Manila
Monday, January 20, 2025

UP summa cum laude, pinasaringan si Tito Sen?

NAG-VIRAL kamakailan sa social media ang interview kay Val Anghelito Llamelo, ang
UP Diliman summa cum laude graduate, na nag-guest sa Babala! ‘Wag Kayong
Ganuuun segment ng E.A.T. sa TV5.


Nang tanungin kung ano ang susi para magtagumpay ang mga mahihirap, sinabi ni
Llamelo na hindi sapat ang talino, talento, kasipagan, at pagsisikap, kasing-halaga rin
nito ang pagkakaroon nang pantay-pantay na oportunidad para sa lahat.


Nang tanungin siya ni Ryan Agoncillo kung balak niyang pumasok sa pulitika, yamang
graduate si Llamelo ng Public Administration.


Sinabi ni Val: “Parang gusto ko na lang mag-artista tapos pag sumikat ako, tatakbo ako
sa politics…”

BASAHIN  Mahigit 1.5-M iskolar ng bayan, hindi na iskolar?


Nabigyan ng kulay ang pahayag ni Val, lalo na’t ipinakita sa kamera ang reaksyon ni
dating Senate President at E.A.T. cohost Tito Sotto.


Dahil dito, agad na kumalat sa social media ang video clip ng guest appearance in Val
sa E.A.T.


Komento ng isang netizen: “LOOK AT VIC SOTTO’S FACE,,,, Tito Sotto probably
gagged here !!”


Para sa ilang netizens, patama ito kay Sotto – ang gawing puhunan ang pagpasok sa
showbiz bago pumasok sa pulitika. Pero paglilinaw ni Val, wala siyang ganuong
intensyon (na patamaan ang kahit sino) dahil malaki ang paggalang niya sa dating
senate president.

BASAHIN  18 Pinoys, 1 Madre, malabong umalis sa Gaza

Related Posts:

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA