33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

2 Bigtime tulak, 26 iba pa nalambat ng NCRPO sa loob ng 24 ORASĀ 

Umaabot sa 26 mga pasaway sa illegal na droga, kabilang ang dalawang bigtime drug pusher ang nalamat ng mga tauhan ng Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa ikinasang magkakasunod na buy bust operation at Oplan Galugad sa loob lamang ng 24-oras at umaabot sa P2,136,920 halaga ng droga ang nakumpiska.

Kaya naman pinuri ni NCRPO Chief PMajor General Melencio Nartatez Jr., ang mga operatibaĀ  at personnel ng RDEU sa matagumpay na pagkakumpiska sa mahigit dalawang milyong halaga ng ipinagbabawal na droga sa loob lamang ng 24 oras na operasyon at pagkakaaresto sa mga bigtime suspek.

Ayon sa ulat ng NCRPO umaabot sa 26 ang naaresto sa loob ng 24-oras at bukod pa sa dalawang suspect na kapwa lumabag sa Republic Act 9165 o paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.

BASAHIN  Jay Sonza kulong sa 'illegal recruitment'

Sa 26 na naaresto nakakumpiska ang mga RDEU ng 124.2 gramo ng ipinagbabawal na droga na nagkakahalaga ng P776,920 00 at ang P1,360,000.00 na nagkakahalaga lahat sa P2,136,920.

Naaresto ng RDEU at Pasay City Police Station, Station Drug Enforcement Unit ang dalawang bigtime suspek na sina Marlyn Joey Gatchalian y Aceveda, 31-anyoa at John Ronald Baltazar y Abustan, 21-anyos, kapwa residente ng Pasay City.

inaresto ang dalawang suspek bandang 8:00 Linggo ng gabi sa Taft Avenue matapos ang naganap na transaksyon sa pagbili ng shabu na kung saan ay kumagat sa pain ng mga pulis ang suspek sa isinagawang drug buy bust operation.

Nakumpiska mula kina Gatchalian at Baltazar ang 200 gramo ngĀ  shabu na may market value na umaabot sa P1,360,000.00.

BASAHIN  Buwagin ang mga private armed groups bago ang halalan sa 2025ā€”Abalos

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek habang hinihintay ang pagdinig sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA