33.4 C
Manila
Monday, January 20, 2025

Lola patay sa sunog, fire truck inararo nasunugan

HINDI na nakaligtas pa ang isang Senior Citizen habang isa pang Lola ang kritikal at pito naman ang nasugatan makaraang araruhin ng rumaragasang rumespondeng fire truck sa sunog sa Maynila.

Nakilala ang nasawi na si Violeta Ferrer Estabillo, 62-anyos, vendor, residente ng Albuquerque Street, Tondo sa Maynila habang kritikal ang 67-anyos na si Irene See Ang na naka-confine pa sa Mary Johnston Hospital dahil sa pagararo ng fire truck.

Nakilala naman ang mga sugatang biktima na sina Reynaldo Ventua, 61, vendor, Katrina Catungal, 8, kapwa taga-Albuquerque Street; Harem Bautista, 21; Gabriel Bautista Yap, 14; Audrey Mae Ongoco, 16; Josh Benjamin Villanueva, 20, pawing mga residente ng Padre Herrera St., Tondo; at Jocelyn Lubo, 52, ng Tondo, Manila.

BASAHIN  Mandaluyong nanguna sa National Achievement Test

Ayon sa report, nawalan ng kontrol sa manibela ang driver na si Rodolfo Catindig Pineda, 27-anyos, ng Firetruck Smokey Pumper 125 na may plakang NBL 8773 na tumatakbo sa ang kahabaan ng eastbound lane ng P. Herrera 1st Street, Albuquerque Street, Tondo, Manila.

Sa imbestigasyon ng Manila Traffic Enforcement Unit ng Manila Police District (MPD), nawalan ng control sa manibela si Pineda  dahil may iniwasan umanong tent na nakatayo sa kalsada at huli na nang kabigin nito ang manibela at aksidenteng naararo ang mga biktimang nasa kalsada.

Lubhang nasugatan si Estabillo at doon na binawian ng buhay sa Jose Reyes Hospital.

Kasalukuyang nakakulong si Pineda at sinampahan ng paglabag sa vehicular accident resulting in homicide at physical injuries.

BASAHIN  Gun permit ng maangas na driver na nanutok ng baril sa siklista, binawi ng PNP

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA