P680-K halaga ng shabu at marijuana nasabat sa Pasig

Share

Kulungan ang bagsak ng isang High Value Individual matapos makuhanan ng  P680-K halaga ng shabu at marijuana sa ikinasang Anti-illegal Drugs Campaign ng Eastern Police District (EPD) kagabi sa Bgry. Pinagbuhatan, Pasig City.

Sa report mula sa tanggapan ni EPD, District Director, PBGen. Wilson Asueta, nakilala ang suspek na si Joel Victorino y Reynoso, 49-anyos, residente ng Pinagbuhatan, Pasig City na inaresto ng mga tauhan ng DDEU at PDEA.

Nakumpiska mula sa suspek  ang 100 gramo shabu at  2.5 gramo ng  marijuana (kush) na aabot sa  P680,000.00

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa  Pasig City Custodial Facility at sinampahan ng kasong paglabag sa  RA 9165

BASAHIN  80-anyos na lolo, arestado sa pagpatay sa isang parking boy

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

Magna cum laude sa Bulacan, nag-gradweyt na ‘patay’

KAHIT sino’y maiiyak kapag nakapanood sa TV ng balita tungkol sa isang college o high schoolgradweyt na namatay bago sumapit ang araw ng graduation. Pero...