33.4 C
Manila
Tuesday, January 21, 2025

Bahay ng isang 67-anyos na retiradong propesora, niransak at ninakawan ng 8 miyembro ng Pulis Imus?

SA isang CCTV footage na ipinadala ni Juan Caoile, makikita ang walong lalaki na niraransak ang pintuan ng kaniyang 67-anyos na ina na isang retiradong propesora.

Matapos masira ang pintuan, agad na pumasok ang 6 sa walong di-umano’y miyembro ng Imus Police Station na batay sa video ay may mga inilabas itong mga gamit na umano’y ninakaw.

Makikita sa video ang ilang brand new na mga gulong ng motorsiklo at iba-iba pang mga gamit na hindi mailarawan dahil nakalagay alinman sa isang supot o bag.

Kita rin sa video ang pagdukot ng isang lalaki sa compartment ng motorsiklo na nasa labas at may nakuha itong ilan pang mga gamit at hindi mailarawan na item.

Maririnig din sa nasabing video ang pagsisisigaw ng kaniyang ina na nanghihingi ng tulong sa kaniyang mga kapitbahay at tinatanong ang mga lalaki kung bakit nila sinisira ang pintuan at kung ano ang sadya ng mga ito.

Idiniin pa ng retiradong propesora na nag-iisa lamang di-umano siya sa bahay kung kayo siya ay humihingi ng saklolo ngunit pasigaw na sinabi ng isang lalaki na “wala kang kapitbahay!”

BASAHIN  Iskedyul ng driver's license renewal ikinasa ng LTO; plastic license cards muling gagamitin

Maririnig din sa nasabing video ang sinabi ng isang lalaki na “tang-*na mo pap@tayin kita, itigil mo yang bunganga mo.”

Ayon sa impormasyong nakalap ng BRABO News, may isa di-umanong miyembro ng Pulis Imus na gumamit ng isang dummy account sa Facebook at nakipagsagutan kay Juan Caoile na may dati umano itong kaso kaugnay sa ipinagbabawal na gamot.

Maaari umanong ginamit ito ng mga pulis upang halughugin ang kanilang bahay, bagay na pinasinungalingan ni Caoile dahil na-dismiss umano ang nasabing kaso dahil sa kawalang sapat na ibidensya.

Idiniin pa ni Caoile na ninakawan di-umano ng Pulis Imus ang kanilang bahay kung saan kasama ang mga alahas, ATMs, iba pang gadgets at mga OR/CR ng motor at ang nakakagulat pa di-umano ay na kahit mouthwash ay hindi pinalampas at tinangay pa ng mga ito.

Nangyari ang nasabing insidente noong Agosto 2 sa ACM Homes sa Barangay Alapan 1A sa lungsod ng Imus sa Cavite.

Inaresto din umano ang kaniyang nanay sa kabila nang wala itong nai-presentang anumang search warrant at ipinipilit ng mga pulis na may droga di-umano na nakita sa bag nito.

BASAHIN  P136-K drugs, nasamsam sa Pasig buy-bust operation

Kasalukuyang nakakulong ang kaniyang ina sa Imus Police Station sa kasong R.A. 9165 Sections 5 and 11  o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bukas naman ang BRABO News sa anumang pahayag o maaaring pasinungalingan ng Imus Police ang nasabing mga akusasyon.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA