Karpintero naghabol ng taga sa Malabon

Share

ARESTADO ang isang karpintero at nahaharap sa kasong frustrated murder makaraang maghabol ng taga nang magalit dahil hindi pinakanta sa videoke ng nagkakasiyahang kapitbahay  sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Base sa imbestigasyon nina P/SSg. Bengie Nalogoc at P/SSg. Michael Oben ng Malabon Police, bandang 9:30 kamakalawa ng gabi nang dumating ang suspek na si alyas “Reynaldo”, 45-anyos,  sa umpukan ng inuman ng kanyang kapitbahay.

 Bigla umanong humirit   ng kanta ang suspek subalit hindi siya pinagbigyan ni alyas “Michael”, 42-anyos,  dahil nakikigulo umano ito sa inuman  nilang magkakamag-anak sa White Lily St. Araneta Village, Brgy. Potrero.

Umalis na galit ang suspek sa lugar at nang bumalik ay may bitbit na isang jungle bolo at agad pinuntiryang tagain sa ulo si ‘Michael’ na nagawa namang makailag sa pananakit ng suspek.

BASAHIN  Mag-asawa kulong sa estafa

Naka hingi ng tulong ang biktima kina Dionisio Soriano at Estevan Arevalo, kapwa tanod ng Brgy. Potrero, na agad namang humingi ng tulong sa  Malabon Police Sub-Station 1 na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek at nakuha sa kanya ang ginamit na itak sa pananaga. 

Kinasuhan ng frustrated murder ang  suspek  habang nakakulong ngayon sa Malabon detention cell habang.hinihintay ang.pagdinig sa kaso.

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

1 sa 7 estudyante gumagamit ng electronic cigarette

IKINABABAHALA ng iba’t ibang advocacy group ang pinakahuling datus na inilabas kaugnay sa mga estudyanteng gumagamit ng vape o electronic cigarette sa bansa. Batay sa...