Mag-live in partner, kalaboso sa ₱100-K droga

Share

ARESTADO ang isang negosyante at online seller  na ka live-in nito matapos ang ikinasang buy-bust operation ng Cainta Drug Enforcement Team at makuhanan ng aabot sa ₱100-K halaga ng illegal na droga, Huwebes ng umaga sa Barangay San Isidro, Cainta Rizal.

Sa report mula sa tanggapan ni Rizal Police Provincial Office (RPPO) Director PCol. Felipe Maraggun, nakilala ang mga arestado na sina alyas “David”, 36-anyos at live-in partner nito na si alyas “Jeni”, online seller, 29-anyos,  kapwa residente ng Cainta, Rizal.

Ayon sa report, inaresto ang dalawa bandang 6:25 Huwebes ng umaga sa kahabaan ng Sumulong Highway, Sitio Balanti, Barangay San Isidro makaraang makatanggap  ng tip mula sa isang concerned citizen kaugnay s illegal na pagbebenta ng droga  ng mag-live in partner sa kanilang lugar.

BASAHIN  Tulak arestado sa P340-K shabu sa Caloocan buy bust ops

Nakumpiska mula sa dalawang suspek ang limang sachet ng plastic na hinihinalang naglalaman ng shabu na may tinatayang timbang na 15 gramo at nagkakahalaga ng ₱102,000.00.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Cainta MPS custodial facility at sinampahan ng kasong paglabag sa section 5 and 11, Article II of R.A 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022”.

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

Panukalang dagdag kapangyarihan sa OVP isinusulong ni GMA

ISINUSULONG ni former president at ngayo’y Pampanga 2nd District Representative Gloria Macapagal Arroyo ang isang panukalang batas na naglalayong patatagin pa at bigyan ng...