33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

NCRPO ibinida ang kakayahan sa paggamit ng drone

IBINIDA ng mga drone operators mula sa limang distrito ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang kanilang galing at kakayahan kung paano gagamitin ang drone, kahapon sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Ang nasabing tactical drone operation competition ay sinalihan ng mga koponan mula sa Southern Police District (SPD), Eastern Police District (EPD), Manila Police District (MPD), Quezon City Police District (QCPD), at Northern Police District (NPD).

Nagpadala rin ng pangkat ang Regional Mobile Force Batallion (RMFB).

Ang Civil Aviation Authority of the Philippines-Aerial Works Certification and Inspection Division (CAAP-AWCID) sa ilalim ng Flight Operation Department na pinamumunuan ni Captain Ian Michael del Castillo, ay naroroon upang obserbahan ang nasabing kompetisyon.

Idiniin ni Castillo sa mga lumahok ang kahalagahan ng galing at kakayahan ng mga operatiba sa paggamit ng drone batay sa iba’t ibang kalagayan o senaryo.

BASAHIN  Munti city, ika-5 sa Most competitive sa bansa

“Una, napakahalaga ng kakayahan ng isa kung paano umiwas sa mga posibleng magiging balakid dahil pangunahing ginagamit ang mga drone sa pagmamanman,” ang pahayag ni Castillo.

“Dahil sa competisyon na ito, matututo pa ng higit ang ating mga kapulisan ng kinakailangan nilang abilidad at diskarte upang lalo pang maging mahusay sa pagganap ng kanilang tungkulin,” dagda pa ni Castillo.

Pinapaalalahanan din ng CAAP ang mga may-ari ng drone kaugnay sa regulasyon, kasama na ang maximum altitude o taas na 400 feet mula sa lebel ng lupa.

May sinusunod din na patakaran tulad ng pagbabawal sa pagpapalipad ng drone sa matataong lugar at may layo na 10 kilometro sa mga paliparan.

“Batay sa mga nabanggit ko na mga pagbabawal, maaari namang kumuha ng special permit ang isa, maaari siyang tumungo sa aming opisina at mag-apply ng special permit, dagdag pa ni Castillo.

BASAHIN  Richard, masaya kina Ruffa, Bistek

‘Maaari namang kumuha ng permit sa kanilang LGU ang mga pribadong gagamit ng drone. Ngunit kung gagamitin na ito sa komersyal, hinihimok namin na sumailalim muna sa pagsasanay,” pagtatapos ni Castillo.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA