₱128.2-B para sa 113 state colleges, universities

Share

TATANGGAP ng ₱128.2 bilyong alokasyon ang 113 state colleges and universities sa
buong bansa ngayong 2024; ito’y mas mataas ng ₱27.3 bilyon kaysa noong 2023.


Ayon kay Dr. Tirso Ronquillo, president, Philippine Association of State Universities and
Colleges (PASUC), labis siyang nagpasalamat kay Speaker Martin Romualdez dahil sa
pagtulong nito na madagdagan ang kanilang pondo.


Nagpasalamat din si Ronquillo sa Speaker sa paggamit ng “unprogrammed funds” para
mabayaran ang kinakailangang “free higher education deficiencies in school [sic] years
2022 and 2023”.


Ilan sa mga alokasyon ng 2024 na pondo ay:


o ₱20.1 billion as capital outlay — “digital transformation” for seven SUCs;

BASAHIN  People Power 3 ‘pag natuloy ang Cha-cha? — D30


o ₱5.3 billion — “construction, rehabilitation of classrooms, dormitories” for 40
SUCs; at,

o ₱692 million — for the establishment and support of college of medicine of 22
SUCs”.


Idinagdag pa ni Ronquillo na makikinabang dito ang 1.85 milyong estudyante, 72,000
faculty at staff, pati na 50,000 job order/contractual workers.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

Nieto sumailalim sa ikalawang operasyon sa puso

SUMAILALIM muli sa ikalawang pagkakataon si Cainta Mayor Kit Nieto para operahan sa puso matapos itong isalang sa unang operasyon maaga nitong taon. Ang nasabing...