Nagkagitgitan at nagkomprontahan, mga sasakyan inararo ng van

Share

INARARO ng van ang ilang mga sasakyan matapos nitong makagitgitan ang isang motor sa Pasig Mega Market kagabi.

Ayon sa inisyal na ulat na nakalap ng BRABO News, nagkagitgitan umano ang isang van at motorsiklo malapit sa isang tindahan ng litson manok sa Mega Market o kilala bilang Pasig Palengke.

Nagkaroon pa umano ng sigawan nang komprontahin ng driver ng van ang driver ng motorsiklo hanggang sa naghabulan ito sa kalsadang napagitnaan ng palengke at parking building.

Dahil umano sa ayaw makipag-ayos ng driver ng motorsiklo, sinagasaan umano ito ng di pa nakikilalang driver ng van hanggang sa madamay ang isang kotse at tricycle.

BASAHIN  HINDI pa tapos ang laban!

Makikita sa video na kahit pinapahinto na ng mga tao ang van na may plakang NCU 602 ay patuloy pa rin itong nanagasa at ayaw bumaba kung kaya’t sinisipa na lamang ito ng mga tao.

Humihingi naman ng tulong ang may-ari ng ilang inararong sasakyan na matukoy kung sino ang may-ari ng van at kung sino ang nagmamaneho nito.

Batay pa sa nakalap na impormasyon ng BRABO News, babae umano ang may-ari ng van ngunit ito ay nabili na ng ibang tao.

LATEST STORIES

LTFRB issues show cause orders to 21 bus and uv express operators over violations

THE Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) has ramped up its enforcement efforts across Metro Manila, issuing 21 Show Cause Orders (SCOs) to...

Angara backs proposed law to institutionalize comprehensive campus safety

EDUCATION Secretary Sonny Angara has expressed full backing for Senate Bill No. 2426, or the proposed Comprehensive School Safety Act, authored by Senate Committee...

Malacañang reallocates executive office furniture to four Rizal public schools

IN a bid to maximize government resources and upgrade public school infrastructure, the Office of the President (OP) has transferred executive office furniture and...

DepEd launches AI-powered Project LIGTAS+ to safeguard schools and cut learning loss

IN a major effort to shield students from chronic disruptions caused by natural disasters, the Department of Education (DepEd), under Education Secretary Sonny Angara,...

DTI, TikTok Shop, Converge Forge Partnership to Empower MSMEs Online

THE Department of Trade and Industry (DTI), TikTok Shop, and Converge SME Solutions have formalized a strategic tripartite partnership to accelerate the digital transformation...

Retirees, tuturuang magnegosyo ng PTTC

Nag-partner ang Philippine Trade Training Center (PTTC) ng DTI at ang kumpanyang Monde Nissin Corporation (Nissin) para sanayin sa entrepreneurship ang retirees. Lumagda sa isang...