33.4 C
Manila
Sunday, March 30, 2025

Surigao del Sur, muling niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 5.7 na lindol ang ilang bahagi ng Surigao del Sur nitong Miyerkules ng gabi.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs, naganap ang pagyanig dakong alas-8:31 kagabi at may lalim na 10 kilometro.

Tectonic ang pinagmulan ng lindol, na natunton sa layong 48 kilometro hilagang-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Paliwanag ng state seismologists, isa itong aftershock mula sa magnitude 7.4 na lindol noong December 2, 2023.

Naitala ang Intensity 5 sa Bislig City, habang Intensity 3 naman ang naramdaman sa bayan ng Cagwait.

Sinabi pa ng Phivolcs na inaasahang magdudulot ng pinsala ang naturang pagyanig.

BASAHIN  Mahigit 161-K passenger arrivals, naitala ng BI

Related Posts:

BASAHIN  Magnitude 5.9 na lindol, yumanig sa Lubang Island

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA