PH Maritime Law, pasado na sa Senado

Share

IPINASA sa Senado nitong Peb. 26 ang Senate Bill No. 2492, na nagtatatag ng Philippine Maritime Zones.

Ito ay bilang pagtugon sa probisyon na nakapaloob sa “UN Convention on the Law of the Sea” pati na rin ang “2016 Arbitral Ruling” sa The Hague.

Ayon sa panukala, ang karapatan sa soberanya at hurisdiksyon ng Pilipinas sa loob ng 200-mile Exclusive Economic Zone (EEZ) sa West Philippine Sea ay itinatampok kasama ng Benham Rise na tatawaging “Talampas ng Pilipinas”.

Nilinaw ng batas ang boundaries ng archipelagic, internal waters ng bansa, pati na rin ang EEZ na kung saan ipinatutupad ng pamahalaan ng Pilipinas ang pagka-soberanya nito pati na rin hurisdiksyon.

Kapag naisabatas, magbibigay ito nang patuloy na proteksyon sa mga mangingisdang Pilipino sa pagkuha sa malawak na marine life sa West Philippine Sea, pati na rin ang pagtuklas at paggamit ng gobyerno sa energy resources dito.

BASAHIN  Training ng AFP officials sa China itigil na –Tulfo

Ayon kay Sen. Francis Tolentino, principal author, “Within the maritime zones law, we can forge more alliances with other countries, under a rules-based international order in compliance with UNCLOS… [Said law] is 300 years in the making.”

“Kahit ano pong mang­yari ngayon sa Bajo de Masinloc… [maging] sa karagatan ng West Philippine Sea, kahit ano po ang mang­yari ngayon sa Benham Rise, nakatatak na po sa kasaysayan ang “Philippine Maritime Zones Law” na magiging bantayog ng ating Kalayaan,” ayon pa sa senador.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

Dahil sa tiwala, VP Sara nag-TY kay PBBM

NAGPASALAMAT si Vice President at Education Secretary Sara Duterte-Carpio kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa patuloy na pagtitiwala sa kanya sa kabila ng mga...