Inihaing articles of impeachment ‘hilaw na, panis pa’—Marcoleta

Share

INIHALINTULAD ni Senador Rodante Marcoleta sa isang inihaing kanin na “hilaw na at panis pa” ang articles of impeachment na isinumite sa senado ng kaniyang dating mga kasamahan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ito’y matapos desisyunan ng Korte Suprema kahapon ang inihaing petisyon ng kampo ni Vice President Sara Duterte na ibasura ang reklamo laban sa pangalawang pangulo para alisin ito sa puwesto.

“Malinaw na malinaw ‘yon hindi ba? Napansin ng Korte Suprema na mali naman talaga yong paghahain nila ng impeachment,” ang pahayag ni Marcoleta.

Sinabi ito ng bagong halal na senador matapos itong mamigay ng rice packs sa daan-daang mga evacuees sa Pasig City dulot ng nagdaang mga bagyo kasama ang kaniyang anak na si Paolo Marcoleta bilang bagong halal din na kongresista ng Sagip Partylist.

“Imbes na isa lang ang ihain, apat. Pero kumbaga sa niluto na kanin, hilaw na hilaw, panis pa yong iba. Papaano mo ‘ipapakain’ sa senado yon? Hindi puwede yon,” giit pa ng senador.

Batay sa inilabas na desisyon ng Katas-taasang Hukuman, nalabag ang probisyon ng Saligang Batas kaugnay sa one-year bar rule. Ibig sabihin, isang impeachment complaint lamang ang puwedeng ihain sa isang impeachable official bawat taon.

BASAHIN  Lacson: Officials who induce perjury may face disqualification from public office

“Malinaw na malinaw. One plus one, plus one, plus one, apat. Sabi ng Saligang Batas isa lang ang isusulong sa isang taon,” giit pa ni Marcoleta.

“Kailangan malinaw pati yong paraan, pati proseso, walang dapat na tinatago. Itinago nila yong tatlo, pinatay nila tapos binuhay yong isa. Walang ganun eh,” dagdag pa ng mambabatas.

Matatandaan na ang unang tatlong reklamo ay inihain ng mga pribadong inibiduwal at ilang grupo sa Kongreso noong Disyembre 2, 4 at 17, 2024 at ang ikaapat naman na reklamo ay nitong Pebrero 5, 2005.

Ang ikaapat na reklamo ay isinulong sa pamamagitan ng isang resolusyon at inaprubahan ng mahigit one-third ng mga miyembro ng ika-19 na Kongreso.

“Apat po ang ginawa, pinagloloko nila. Yong tatlo pinatay, yong isa binuhay, panis, hilaw na hilaw pa. Hindi pupuwedeng kainin,” pagtatapos ni Marcoleta.

LATEST STORIES

LTFRB issues show cause orders to 21 bus and uv express operators over violations

THE Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) has ramped up its enforcement efforts across Metro Manila, issuing 21 Show Cause Orders (SCOs) to...

Angara backs proposed law to institutionalize comprehensive campus safety

EDUCATION Secretary Sonny Angara has expressed full backing for Senate Bill No. 2426, or the proposed Comprehensive School Safety Act, authored by Senate Committee...

Malacañang reallocates executive office furniture to four Rizal public schools

IN a bid to maximize government resources and upgrade public school infrastructure, the Office of the President (OP) has transferred executive office furniture and...

DepEd launches AI-powered Project LIGTAS+ to safeguard schools and cut learning loss

IN a major effort to shield students from chronic disruptions caused by natural disasters, the Department of Education (DepEd), under Education Secretary Sonny Angara,...

DTI, TikTok Shop, Converge Forge Partnership to Empower MSMEs Online

THE Department of Trade and Industry (DTI), TikTok Shop, and Converge SME Solutions have formalized a strategic tripartite partnership to accelerate the digital transformation...

Pope Francis inalmahan ng African Bishops: same-sex union ‘labag sa utos ng Diyos’

INALMAHAN nitong Huwebes ng Catholic Bishops of Africa and Madagascar (CBAM)ang pahayag ni Pope Francis na nagdedeklara nang pagbasbas sa same-sex union. Hindi raw makapapayag...