Hirit ng DepEd union: Hazard pay sa mga non-teaching employees ibigay na

Share

Baguio City-NANAWAGAN ang mga non-teaching DepEd personnel sa mga opisyales ng National Employees’ Union (NEU) upang hilingin sa pamunuan ng Department of Education (DepEd) na pagkalooban ng Special Hardship Allowance (SHA) ang ilan sa kanilang mga miyembro na na-assign sa mga lugar na tinatawag na Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA).

Ayon kay Romeo Martin, pangulo ng DepEd-NEU Sarangani Chapter, marami sa kanilang mga miyembro na nakakaranas ng mahihirap na situwasyon, mahirap puntahan na mga eskuwelahan, limitadong transportasyon, at hikahos sa pangunahing mga pangangailangan.

Giit pa ni Martin, ang nasabing mga karanasan at situwasyon ng mga kasamahan nila sa GIDA ay hindi nararanasan ng karamihan sa kanilang mga miyembro sa ibang lugar kung kaya’t apektado aniya ang kanilang moral at pagiging epektibo sa trabaho.

Sinabi pa ni Martin na hindi aniya maikakaila na mahalaga rin ang ginagampanang papel ng mga non-teaching staff na ito na naka-assign sa clerical works, administrasyon, maintenance at iba pang mga ministeryal na gawain sa mga paaralan.

“Tutal, kinilala naman na ng DepEd ang nasabing mga hamon at ipinagkaloob na ang SHA sa mga teaching personnel, nananawagan kami na sana ay ipagkaloob na rin ang kahalintulad na probisyon sa mga non-teaching staff,” ang pahayag ni Martin.

BASAHIN  Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

Ang tinutukoy ni Martin ay ang DepEd Order 039, s. 2021 kung saan ang binibigay na allowance sa mga guro ay katumbas ng 25% ng kanilang buwanang suweldo at ibinibigay sa loob ng sampung buwan bawat buwan.

”Isa pa, pinahintulutan na ng Department of Budget and Management (DBM) at Civil Service Commission (CSC) na ipagkaloob ang special allowances sa mga empleyado ng pamahalaan na nasa mga lugar na mahihirap ang kalagayan, basta’t may legal na basehan at alokasyon sa budget,” dagdag pa ng chapter president.

Matatandaan na nag-hire ang DepEd ng 10,000 non-teaching personnel kung saan 7,000 sa mga ito ay mga administrative staff at 3,000 support staff bilang tugon ng ahensya sa matagal nang panawagan ng NEU na mass hiring upang makatulong sa mga titser sa mga gawaing walang kinalaman sa pagtuturo.

Kasabay ng panawagan na ito ay ang pagdalo ng mahigit 6,000 mga miyembro ng DepEd-NEU sa kanilang National Congress and Seminar Workshop na nasa ika-17 taon na sa Baguio City.

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

‘Away’ Binay-Cayetano, umiigting?

TILA painit nang painit ang alitan sa pagitan ng Makati City at Taguig City governments dahil sa hindi matapos-tapos na awayan sa teritoryo. Matatandaang nagpalitan...