Niyanig ng magnitude 5.7 na lindol ang ilang bahagi ng Surigao del Sur nitong Miyerkules ng gabi.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs, naganap ang pagyanig dakong alas-8:31 kagabi at may lalim na 10 kilometro.
Tectonic ang pinagmulan ng lindol, na natunton sa layong 48 kilometro hilagang-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Paliwanag ng state seismologists, isa itong aftershock mula sa magnitude 7.4 na lindol noong December 2, 2023.
Naitala ang Intensity 5 sa Bislig City, habang Intensity 3 naman ang naramdaman sa bayan ng Cagwait.
Sinabi pa ng Phivolcs na inaasahang magdudulot ng pinsala ang naturang pagyanig.
Related Posts:
NBI, GCash sanib-pwersa vs online scams
Inter-Agency IRR para sa Seniors, PWDs kailangan
Sen Revilla, nag birthday sa okada
COMELEC, nakatanggap na ng inisyal na kopya ng mga lagda para sa People's Initiative
Ultrasound, X-ray atbp., dapat sakop din ng PhilHealth
Walang personalan, Trabaho lang
US$50-M: Para sa renewable energy ng bansa - Malaysia, PH
LandBank-DBP merger, kanselado
About Author
Show
comments