KC Concepcion, ex-Sen. Pangilinan, may away?

0

TILA yata may matinding hindi pagkakaunawaan sina KC Concepcion at ng kanyang
step-father na si ex-Sen. Kiko Pangilinan.


Ayon sa ilang netizens na nakapansin sa Instagram account ng dalawa, na-unfollow at
hindi na friends ni KC sina Kiko at Frankie, at hindi na rin friends ng dalawa si KC.

Hindi na makita ang pangalan ng bawat isa sa “list of friends” sa kani-kanilang Instagram
accounts.


Bakit nga ba wala si KC sa birthday dinner ng dating Senador noong isang gabi? May
tampo kaya ito sa stepdad niya?


Kadalasan, binabati ni KC ang stepdad tuwing birthday nito, pero wala ngayong taon.
Tanging si Sharon Cuneta lang ang nag-post ng larawan ng pamilya matapos silang
mag-dinner.


Sa video na ini-upload ni Kiko sa kanyang Instagram account, obvious na wala si KC sa
mga nagpadala ng video greetings.


Ano kaya ang dahilan at nagtampo si KC sa stepdad at stepsister na si Fankie?

About Author

Show comments

Exit mobile version