33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

3 tulak arestado sa Malabon, Navotas buy bust

Nasakote ng Navotas Police at Malabon Police ang tatlo katao matapos ang ikinasang magkakahiwalay na buy bust operation ng mga tauhan  ng station deug enforcement unit, kamakalawa.

 Sa ulat ni Navotas police chief Col. Mario Cortes kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, bandang 3:23 kahapon ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Cpt. Genere Sanchez ng buy bust operation sa Judge Roldan St., Brgy. San Roque matapos ang natanggap na ulat hinggil sa illegal drug activities ni Patrick Rubio alyas “Tupa”, 31, ng B Cruz St., Brgy. Tangos North.

Ayon sa report, inaresto ng mga operatiba si Rubio matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa Judge Roldan St., Brgy. NBBS, Dagat-Dagatan.

BASAHIN  Taguig LGU at NCRPO magkatuwang sa public service

Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 10.3 gramo ng shabu na may standard drug price value na P70,040.00 at isang P500 bill na ginamit bilang buy bust money.

Sa Malabon, natimbog naman ng mga operatiba ng SDEU ng Malabon police sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Lt. Jonas Gato sina Christian De Leon, 22 ng Brgy. Tañong at Orlando Sito alyas “Buko”, 49, fish vendor ng Brgy. 8, Caloocan City, sa isinagawang buy bust operation sa C4 Road, Brgy. Tañong, bandang 11:45 ng gabi.

Nakuha sa mga suspek ang nasa 2.8 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P19,040.00 at P500 marked money.

BASAHIN  Most wanted person ng Makati, nasakote

Kinasuhan ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA