₱374-K shabu nasabat sa 2 tulak sa Pasig

Share

NASAKOTE ng Pasig Police ang dalawang high value individual matapos malaglag sa ikinasang buy bust operation at makuhanan ng mahigit P374-M halaga ng shabu, kamakalawa ng gabi sa Barangay Palatiw.

Sa report na nakalap sa tanggapan ni Pasig City Police Station chief, PCol.  Celerino Sacro, nakilala ang dalawa na sina alyas “Aries”, 25-anyos at alyas  “Aldrin”, 43-anyos, kapwa residente ng  Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.

Ayon sa report, inaresto ang dalawang suspek bandang 9:30 Huwebes ng gabi sa kahabaan ng E. Santos St., Barangay Palatiw matapos ang isinagawang buy bust operation ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit at San Miguel Police Sub-Station (SS6), katuwang ang  Pasig City Anti-Drug Abuse Office (PCADAO) matapos ang pakilipagtransaksyon sa mga suspek para makabili ng illegal na droga.

BASAHIN  2 high value tulak nasakote sa ₱476-K shabu sa Pasig

Nakumpiska mula sa mga suspek ang anim na six transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu na may timbang na 55 gramo at nasa ₱374,000.00 ang halaga, isang coin purse, ₱500 genuine bill at 14 piraso ng boodle money.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek ay sinampahan  ng kasong paglabag sa R.A. No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...