33.4 C
Manila
Saturday, July 12, 2025

H.B. 8320: Contractors, architects, engineers, atbp., kakasuhan sasubstandard na trabaho

IPINANUKALA ni Rep. Luis Raymund Villafuerte Jr. ang House Bill (HB) 8302 na magpaparusa sa
engineers, architects, o contractors na gagamit na substandard o mahinang klaseng materyales sa
kanilang construction project.


Ayon HB 8302, sakop nito ang lahat ng construction projects, gobyerno man o maging sa pribado. At may pananagutang sibil at kriminal ang lahat ng contractors at sub-contractors sa loob ng 15 taon pagkatapos ng construction, kapag ang istraktura ay bumagsak o nangangailangan ng major repair, at kapag napatunayan na gumamit ng substandard construction process o substandard na
materyales ang mga sangkot.


Kapag ang construction ay ginawa ng isang sub-contractor, siya at ang principal contractor ay kapwa managot sa anomang danyos-perhuwisyo na igagawad ng korte.

BASAHIN  4 BSP officials, sumusweldo ng P114-M Isang taon Mga obrero, P610 lang kada araw


Ang pormal na pagtanggap ng may-ari sa natapos na istraktura ay hindi magsisislbing waiver o pag-alis ng karapatan ng may-ari para magreklamo.


Mayroong hanggang 10 taon ang may-ari para magreklamo kung ang building ay bumagsak o nag-collapse.


Ayon kay Engr. J. Rosario, dapat bigyang-prayoridad ng Kongreso ang panukalang-batas ni Cong.
Villafuerte dahil kulang sa ngipin ang probisyon ng Article 1723 ng Civil Code tungkol dito.

BASAHIN  Mga senior citizen at trabahador sa 30 barangay ng Pasig, susuyurin ng mga front liner ng St. Gerrard Construction para sa weekly medical mission

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

818,000FansLike
50FollowersFollow
93,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA