MAHIGIT 1.7-M DRIVERS, PAPEL PA RIN ANG LISENSYA?

Mendoza: Walang basehan ang TRO

Share

MAARING manatili pa ring papel sa halip na plastic-card driver’s license, ang ma-i-issue sa mahigit 1.7 milyong drivers dahil sa TRO o temporary restraining order na ipinalabas ng isang korte.

Ang utos ay inilabas ng Quezon City Regional Trial Court branch 215 noong Agosto 15, na sumusupindi sa delivery ng license cards sa loob ng 20 araw.

Sa isang press conference noong Huwebes, umalma si LTO chief Vigor Mendoza II sa TRO dahil naniniwala raw siya na walang anumang basehan ang utos ng korte.

Ang TRO ay nag-ugat sa petisyon ng AllCard Inc., ang natalong bidder, sa pagsu-supply ng plastic cards, matapos nitong akusahan ang Centralized Bids and Awards Committee, Department of Transportation (DOTr) ng “grave abuse of discretion”.

BASAHIN  Atasha muhlach: Legit dabarkads na sa E.A.T

Sinabi ng AllCard kahit na ang kanyang bid na P176,853,600, ay higit na mas mababa kaysa P240.12 milyon ng nanalong bidder, natalo pa rin sila.

Idinugtong pa nito na ginawang isyu raw ng LTO ang maling akusasyon na naantala ang mga proyekto ng AllCard sa Bangko Sentral ng Pilipinas, Social Security System at Land Bank of the Philippines.

Hindi raw sila binigyan ng pagkakataon na linawin ito kahit na wala pa sa itinakdang deadline.

Ayon pa sa AllCard, ang pagkatalo nila sa bidding ay nagresulta sa “irreparable injury in   terms of massive financial injury due to opportunity loss and injury to [its] reputation.”

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

Villar, Bonoan, isinangkot sa iregularidad sa Pangil Bay Bridge project

(Una sa dalawang bahagi)INIREKLAMO kamakailan ng katiwalian at pandarambong sina Public Works SecretaryManuel Bonoan, pati na ang kanyang pinalitan na si dating kalihim at...