Kasambahay wagi ng P61-M lotto jackpot

Share

Hinugot daw mula sa kaarawan ng kanyang kaanak ang matagal nang inaalagaang numero at masuwerteng nakalusot sa pagtaya sa Lotto 6/42 ang isanb kasambahay na isa na ngayong milyonarya dahil sa pagkapanalo ng  P61,234,178.20.

Sa report ng pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), lumabas sa raffle draw noong July 1 ang  winning combination number 18 – 25 – 12 – 14 – 13 – 22, ng isang kasambahay na taga-Las Piñas City at laking gulat at tuwa nang lumabas ang kanyang pinakaiingatang numero.

“Almost 20 years ko na pong tinatayaan yung mga birthdays namin mag-anak at buti naman sa awa ng Diyos ay nanalo din po kami,” kuwento ng winner.

BASAHIN  ‘Pag nasawata ang iligal na sugal, koleksyon ng PCSO tataas pa—Robles

Nabatid na kinubra ng winner ang kanyang panalo noong Huwebes sa PCSO office sa Mandaluyong City.

Ayon pa dito, malaking tulong sa kanya at sa kanyang pamilya ang nakuhang jackpot prize.

Sinabi pa nito na magpapagawa sila ng bahay at magpaparenta ng apartment at itatabi ang iba para sa kinabukasan ng anak.

Samantala, hinikayat ni PCSO General Manager Mel Robles  ang publiko na patuloy tangkilikin ang pagtaya sa Lotto dahil bukod sa pagtataya ay nakakatulong pa dahil ang 30% dito ay napupunta sa kawanggawa.

Paalala pa ng PCSO na maaaring ma-forfeit ang panalo kapag hindi pa nakukuha sa loob ng isang taon.

LATEST STORIES

DOLE files motion to lift injunction on NCR wage hike

THE Department of Labor and Employment (DOLE) has taken decisive legal action to defend the stalled ₱85 minimum wage increase for workers in Metro...

Foreign national wanted for human trafficking falls in EPD dragnet

A wanted person facing charges for violation of the Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 was arrested by operatives of the Mandaluyong City Police...

12 arrested in Pasay anti-fixing crackdown; two LTO officials relieved and facing charges

TWELVE individuals, including two Land Transportation Office (LTO) personnel, were arrested in a joint entrapment operation in Pasay City on August 14, as part...

Malacañang orders alternative work schemes in Metro Manila, 14 provinces due to heavy ‘Habagat’ rains

GOVERNMENT offices across Metro Manila and 14 nearby provinces have been directed to implement alternative work arrangements on Tuesday, August 18, following continuous heavy...

DepEd seeks to turn surplus farm produce into hot school meals under expanded feeding program

THE Department of Education (DepEd) is taking steps to curb local food waste while boosting student nutrition by integrating surplus farm produce into its...

Converge, DITO, sanib-pwersa

LUMAGDA sa isang kasunduan kamakailan ang Converge ICT Solutions (Converge) atDITO Telecommunity Corp. (DITO) para magamit nila ang terrestrial at submarine fiberoptic cable assets...