HUMANGA at pinapurihan ni Vice President at Education Secretary Sara
Duterte ang Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil sa
mahusay nitong pagganap sa kanyang tungkulin bilang Pangulo ng bansa,
sa loob ng nakaraang taon.
Sa isang social media post, sinabi ni Duterte na pinatunayan ni “Apo BBM”
ang tapat na determinasyon ng kanyang administrasyon na tuparin ang
mga naging pangako sa sambayanang Plipino noong panahon ng
kampanya.
Idiniin pa niya na pursigido talaga ang Pangulo na ipagpatuloy
ang mga nasimulang proyekto ng nakaraang administrasyon, lalo na ang
infrastructure, para maging maginhawa ang buhay ng ating mga
kababayan at mabuksan ang daan para sa mas maraming bagong trabaho.
Pinasalamatan din ng Tanggapan ng Ikalawang Pangulo at Kagawaran ng
Edukasyon ang Pangulo dahil sa patuloy nitong suporta sa kanilang mga
proyekto.
Samantala, binati ni Pangulong Marcos ang kanyang ina, dating First Lady
at Kongresista Imelda Romualdez-Marcos, sa ika-94 kaarawan nito, bukas,
Hulyo 2.