4 DOA sa aksidente sa Antipolo

Share

Dead on the spot ang apat na lalaki matapos tumilapon at magkalasug-lasog ang katawan makaraang humaharurot pauwi ang sinasakyang kotse at sumalpok sa isang malaking van habang binabagtas ang kahabaan ng Marcos Highway, Barangay Mayamot, Antipolo, Rizal, Lunes ng madaling araw.

Sa report ng Antipolo Police, naganap ang road crash accident bandang 3:00 ng madaling araw sa kahabaan ng Marcos Highway na ikinasawi ng apat katao, kabilang ang driver ng Honda Civic na may plakang WJW929 na minamaneho ni Juanito Cataylo y Magsino, 22-anyos at tatlong sakay nito na sina

Kidrock  John Magsino, 21-anyos, Lawrence Ivan Jose, 21-anyos at Ereneo Balmonte, 22-anyos, pawang mga residente ng Antipolo City

Ayon pa sa report, sumalpok  ang kotse sa isang Isuzi wingvan truck na may plakang CBN 3039 na minamaneho Glen Gumban y Magsino, 48-anyos, residente ng Marikina City

BASAHIN  Produksyon ng bangus, tilapia, nanganganib sa El Niño?

Base sa imbestigasyon ng pulisya, kapwa binabagtas ng dalawang sasakyan ang kahabaan ng Marcos Highway patungong Sta. Lucia East Grandmall direction,  nang mag-over take ang driver ng Honda sa kanan ng 2nd lane mula sa 3rd lane habang ang van ay nasa 2nd lane at doon na sumalpok sa kaliwang bahagi ng likuran ng van.

Nakita rin sa imbestigayon mula sa skid mark na mabilis ang takbo ng Honda kaya sumalpok ito sa van at sabay-sabay silang tumilapon at namatay on the spot.

Kasalukuyang iniimbestigahan pa ang kaso.

Ang driver ng truck ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Antipolo Custodial Facility at isinasailalim pa sa interogasyon kung kakasuhan ito.

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

US$3.5-B Kita mula sa bamboo industry – Villar

KUNG si Bamboo (Mañalac) ay malaki ang kinikita bilang singer, bilyones naman angkikitain ng industriya ng kawayan o bamboo sa bansa. Sinabi ni Sen. Mark...