33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

‘Away’ Binay-Cayetano, umiigting?

TILA painit nang painit ang alitan sa pagitan ng Makati City at Taguig City governments dahil sa hindi matapos-tapos na awayan sa teritoryo.

Matatandaang nagpalitan kamakailan ng maaanghang na salita sina Makati Mayor Abby Binay at Taguig City Mayor Lani Cayetano.

Ito’y bunsod nang pagbabarikada ng mga tauhan ni Binay sa mga paaralan na ngayo’y sakop ng Taguig, dahil pag-aari raw nila ang mga gusali at pasilidad.

Mas uminit pa ang usapin nang tanggihan ni Cayetano ang school supplies na gustong ibigay ni Binay sa 48,000 na mga estudyante ng mga pinagtatalunang paaralan.

Sinabi diumano ni Cayetano na i-donate na lang daw sa biktima ng kalamidad ang (Makati) school supplies.

Pinatsutadahan pa niya si Binay sa isang TV interview, na wala raw picture ang Taguig mayor sa school supplies na ibinibigay nila, hindi gaya sa Makati.

BASAHIN  Most wanted person ng Valenzuela huli sa Caloocan

Sinabi ni Binay, “May konting sense of reality ba sila nandito na ‘yung supplies, ayaw mong ibigay ko. Bakit?”

Iginiit ni Binay na sa Taguig ang lupain pero sa Makati ang mga gusali at pasilidad na nasa 14 na barangay na dating teritoryo ng Makati.

Para matuldukan na ang problema, nais niya na mamagitan ang Department of Interior and Local Government o DILG.

Noong nakaraang Hunyo, ibinasura ng Korte Suprema (KS) ang ikalawang motion for reconsideration ng Makati—na nagbibigay hurisdiksyon sa Taguig sa 10 Embo Barangays, Fort Bonifacio, pati na ang 240—ektaryang Bonifacio Global City. Ang utos na ito ay final and executory.

Idiniin ni Binay na hinanapan nila ng writ of execution ang Taguig para mabigyang-linaw kung kailangang ibenta ang mga gusali at pasilidad na pag-aari ng Makati na nasa Taguig, at para malaman kung kailan dapat itigil ang pagbibigay ng benepisyo sa mga guro at estudyante.

BASAHIN  2 lalaki nahulihan ng mahigit ₱200-K halaga ng 'shabu' sa Taguig City

Kahapon, pansamantalang inako ng Department of Education ang pamamahala sa mga nasabing paaralan habang hindi pa naaayos ang gusot.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA