33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

China nagpakitang gilas sa isinagawang wargames; US di nagpatalo

NAGPAKITANG gilas ang China sa ikatlong araw na isinasagawang wargames sa West Philippine Sea o sa inaangkin nitong teritoryo sa South China Sea.

Ipinagyabang nito ang tinatawag na targeted strike sa Taiwan gamit ang mga fighter jets at warships nito sa ikalawang araw ng kanilang military drill.

Sinabi ng Beijing na bunsod ito ng ‘katigasan’ ng ulo ng Taiwan dahil sa pakikipagkita ng Presidente nito na si Tsai Ing-wen noong nakaraang linggo kay US House Speaker Kevin McCarthy.

Hindi naman nagpatalbog ang United States nang i-deploy nito ang kanilang naval destroyer sa nasabing karagatan na inaangkin ng buo ng bansang China.

Patuloy na nananawagan ang US sa China na magdahan-dahan ito sa mga ginagawang aksyon upang maiwasan ang tensyon sa West Philippine Sea kung saan napakaraming bansa ang umaangkin dito.

Sa isinasagawang war games ng China sa Taiwan Strait, ipinakita nito sa buong mundo na kaya nitong tagrgetin ang Taiwan gamit ang mga eroplano at barkong pandigma.

BASAHIN  35 na Pinoys mula sa Gaza, parating na ngayon

Pinakawalan naman ng US ang guided-missile destroyer na USS Milius at sinabing dapat igalang ng China ang “freedom of navigation” sa pinagtatalunang South China Sea.

Idinagdag pa ng US na sinadya nilang padaanin ang kanilang naval destroyer sa pinagtatalunang lugar kung saan inaangkin ito ng buo o bahagi ng China, Taiwan, Vietnam, Brunei at Pilipinas.

Matatandaan na tumiwalag ang Taiwan sa China pagkatapos ng giyera sibil noong 1949 at nagdeklara na sila ay may sarili ng pagkakakilanlan ngunit itinuturing pa rin ng China na sakop nila ang Taiwan at nagpahayag na darating ang araw na kukunin nito ang Taiwan sa anumang paraan.

Tulad ng nangyayari ngayon sa Pilipinas, malabo pa rin sa marami ang ikinikilos ng US kung dedepensahan ba nito ang Taiwan sakaling dumating sa punto na sapilitan itong sakupin o bawiin ng China.

BASAHIN  New Zealand, taob sa PH Cayetano, pinuri ang PH sa FIFA Women's World Cup

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA