₱11.4-M halaga ng droga nasamsam sa 2 tulak

Share

NASAMSAM mula sa dalawang tulak ang hinihinalang shabu na humigit kumulang 1,676.52 gramo at nagkakahalaga ng 11,400,336 sa isinagawang buy-bust operation ng Municipal Drug Enforcement Team ng Binangonan Municipal Police Station, Disyembre 14,2025.

Nangyari ang nasabing operasyon dakong alas-2:45 ng umaga sa Teacher’s Village St., Brgy. Mambog ng nasabing bayan sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sa natanggap na ulat ni Rizal Provincial Police Director PCol. Feloteo Gonzalgo, kinilala ang mga suspek na sina alyas “Labo,” isang High Value Individual (HVI) at alyas “Beki,” isang newly identified HVI.

Nasamsam sa dalawa ang apat (4) na pirasong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance na pinaghihinalaang shabu; anim (6) na pirasong knot-tied transparent plastic na naglalaman ng white crystalline substance na pinaghihinalaang shabu; isang (1) self-sealing plastic na naglalaman ng white crystalline substance na pinaghihinalaang shabu.

Narekober din ang dalawang (2) pieces P1,000 peso bill bilang buy-bust money; isang (1) kulay gray nahard case plastic tool box; anim (6) na pirasong P500 peso bills; isang (1) kulay berde na cellular phone (Honor brand); isang (1) kulay violet na cellular phone (Huawei brand).

BASAHIN  Most wanted ng Antipolo nasakote

Maliban sa mga pinaghihinalaang illegal na droga at mga paraphernalia, nakuha rin sa mga suspek ang isang (1) unit na kalibre .38 revolver pistol na may serial no. 21267; apat na (4) bala ng kalibre .38 pistol; at isang (1) unit ng Suzuki Swift na kotse kulay silver na may plakang WJO910.

Pansamantalang nakakulong sina alyas Labo at alyas Beki sa custodial facility ng Binangonan Municipal Police Station (MPS) habang inihahanda ang kaso laban sa kanila sa Provincial Prosecutor’s Office sa Taytay, Rizal.

Sasampahan ng mga kaso ang dalawang suspek batay sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at paglabag sa Republic Act 10591 o mas kilala sa tawag na Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

IBA PANG BALITA

Eugene Nacino hinirang na 2026 ‘Makata ng Taon’

GAGAWARAN ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) si Eugene Geibrielle Nacino ng KWF Talaang Ginto: Makata ng Taon 2026 para sa kaniyang tulang: “Asín...

Mister tinapos ang sariling buhay matapos palakulin si misis

ISANG kaso ng parricide ang iniulat ng Rizal Police Provincial Office (Rizal PPO) matapos matagpuan sa loob ng kanilang bahay ang misis na sugatan...

Carnapper na nang-blackmail sa Rizal, arestado 

ARESTADO ang isang lalaki nang masakote ng mga pulis matapos manghingi ng pera sa biktima para maisauli ang ninakaw na motor sa Antipolo City,...

AFP: Napaslang na aktibistang UP student sa NegOcc ‘armado,’ may ‘combat rig’

NANININDIGAN ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kanilang naunang pahayag na ang napaslang na estudyante ng University of the Philippines (UP) sa...

Meralco muling nagbabala: Ang pagnanakaw ay ‘nakakakuryente’

NAGBABALA muli ang Manila Electric Company (Meralco) laban sa nagbabalak magnakaw ng mga materyales o kawad ng kuryente sa kanilang mga pasilidad. Ito’y matapos masawi...

Kelot tinutukan ng baril ang mga puntod, huli sa Valenzuela

Kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos maaktuhang pinaglalaruan at tinutukan ng baril ang mga puntod sa loob ng isang sementeryo sa Valenzuela City.  ...