Kaligtasan ng mga MMDA personnel, binabalewala?

Share

SALUDO tayo sa Metropolitan Manila Development Authority o MMDA dahil sa maagap nilang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan ng Kalakhang Maynila hindi lamang sa isyu ng trapiko kundi maging sa paglilinis at pagbabalik sa ayos sa idinulot ng masamang panahon.

May napansin lang tayo nang mag-browse ang inyong lingkod sa social media page ng ahensya kung saan may mga larawan ng masisipag nilang mga tauhan na nagtitibag ng mga natumbang kongkretong pader, nagpuputol ng mga natumbang kahoy sa kalsada at iba pa.

Ito ay ang kawalan ng safety shoes at safety helmet o hard hat at iba pang basic personal protective equipment (PPE) sa tuwing magsasagawa sila ng mga gawaing binanggit natin.

Wala tayong datos sa kung ilan na ang nagtamo ng sugat o naaksidente dahil sa kawalan ng PPE ng mga MMDA personnel, pero sabihin na nating napakakaunting porsyento lamang, pero ang isyu pa rin ay ang kaligtasan.

Hindi natin alam, baka ang maliit na sugat na iyon ay lalala lalo na’t nakaugalian na ng mga Pilipino, partikular na ng mga kalalakihan, na ipag-walang bahala na lang ang mga minor wounds at sasabihing: “malayo ito sa bituka.”

BASAHIN  Holdaper sa Pasay City, nasakote sa Oplan Galugad
(Photo: DPWH)

Sa inilabas na online poster ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at alam naman nating applicable din ito sa MMDA, makikita ang larawan ng kumpletong basic PPE na kung saan ito ay inaasahan nating istriktong ipinatutupad ng Kagawaran.

Hiling natin sa mga kinauukulan na huwag itong ipagwalang-bahala at gayakan ng kumpletong kagamitang pagkaligtasan ang kanilang mga tauhan upang maging modelo din ito sa mga mamamayan. Hindi lingid sa atin na istriktong ipinatutupad ng MMDA at hinuhuli ang mga motorcycle rider, pati ang angkas nito, kapag nakasuot lamang ng tsinelas, at siyempre kapag walang helmet.

Ang isyu ay ang kaligtasan pa rin dahil hindi lamang iyon ang tama, kundi iyon ang dapat.

LATEST STORIES

LTFRB issues show cause orders to 21 bus and uv express operators over violations

THE Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) has ramped up its enforcement efforts across Metro Manila, issuing 21 Show Cause Orders (SCOs) to...

Angara backs proposed law to institutionalize comprehensive campus safety

EDUCATION Secretary Sonny Angara has expressed full backing for Senate Bill No. 2426, or the proposed Comprehensive School Safety Act, authored by Senate Committee...

Malacañang reallocates executive office furniture to four Rizal public schools

IN a bid to maximize government resources and upgrade public school infrastructure, the Office of the President (OP) has transferred executive office furniture and...

DepEd launches AI-powered Project LIGTAS+ to safeguard schools and cut learning loss

IN a major effort to shield students from chronic disruptions caused by natural disasters, the Department of Education (DepEd), under Education Secretary Sonny Angara,...

DTI, TikTok Shop, Converge Forge Partnership to Empower MSMEs Online

THE Department of Trade and Industry (DTI), TikTok Shop, and Converge SME Solutions have formalized a strategic tripartite partnership to accelerate the digital transformation...

502 traffic enforcers na MMDA deputized officers, maniniket na sa Pasig City simula ngayong araw

MAY kabuuang 502 “Blue Boys” o traffic enforcers ng Pasig City na deputized officers ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang maniniket sa mga...