33.4 C
Manila
Wednesday, January 15, 2025

Pasig LGU ginawaran ng ‘Seal of Good Local Governance’

GINAWARAN ng Department of the Interior and Local Government ng ‘Seal of Good Local Governance’ (SGLG) Award ngayong taon ang pamahalaang lungsod ng Pasig na ginanap ngayong araw sa Manila Hotel.

Isa ang Pasig sa 714 lokal na pamahalaan na ginawaran ng ahensiya bilang pagkilala sa mga programa at inisyatibo may kaugnayan sa pamamahala nito.

Tinanggap mismo ni Mayor Vico Sotto ang nasabing parangal na may temang: Isang Dekada ng Pagkilala sa Katapatan at Kahusayan ng Pamahalaang Lokal.

Kasama ng alkalde sina City Planning and Development Coordinator Priscella Mejillano at DILG Pasig City Director Visitacion Martinez, CESO V upang tanggapin mula sa mga opisyales ng DILG ang nasabing pagkilala.

Isa sa mga kuwalipikasyon sa 2024 SGLG ay na kailangang matugunan ng lokal na pamahalaan ang assessment sa “all-in” principle kaya naman dapat maipasa ang assessment sa lahat ng sampung governance areas.

BASAHIN  Ilang lugar malapit sa fault line sa Pasig ininspeksyon ng OCD

Ito ay ang Financial Administration and Sustainability Disaster Preparedness Social Protection and Sensitivity Health Compliance and Responsiveness; Sustainable Education Business Friendliness and Competitiveness, Safety, Peace and Order, Environmental Management; Tourism, Heritage Development Culture, and Arts; at Youth Development.

Sa nasabing pagtitipon, binigyang-diin ni DILG Secretary Juanito Victor “Jonvic” Remulla sa awarding ceremony, ang ilan sa mga reporma sa SGLG na ipapatupad sa mga susunod na taon.

Ayon sa kalihim, ito ay ang assessment period na tatlong taon (isang termino) imbes na kada taon o annual; pag-assess ng tatlong core governance categories (fiscal management, innovation, at disaster resilience) sa halip na “all-in” principle.

BASAHIN  P/Major De Castro, sibak na; Catherine Camilon, patay na?

Giit pa ni Remulla, asahang magiging mas mahirap muli na makuha ito at mas malaki ang SGLG Incentive Fund na magagamit sa government projects alinsunod sa guidelines ng DILG.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA