80-anyos na lolo, arestado sa pagpatay sa isang parking boy

Share

Naaresto na ng mga tauhan ng Marikina City police ang isang 80-anyos na lolo na wanted sa pagpaslang sa isang parking boy noong 2022.

Isang taong nagtago ang suspek na si Reynerio del Rosario sa Nueva Ecija, kung saan agad na isinilbi ng mga awtoridad ang warrant of arrest para sa kasong murder nitong Miyerkules ng gabi.

Batay sa ulat mula sa tanggapan ni Eastern Police District Director, PBGen. Wilson Asueta, napag-alaman na may mga kaanak sa naturang lalawigan ang suspek na maaaring tinutuluyan nito, kung saan, base sa intelligence gathering, ay doon nga ito nagtatago.

Nabatid na isang cigarette vendor sa Marikina ang suspek at sinabi nito na napatay niya ang parking boy dahil lagi umano siyang binu-bully.

BASAHIN  Terorista: Cong. Teves, 12 iba pa

Nahaharap sa kasong murder ang suspek at pansamantalang nakadetine sa Marikina Police Station.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

₱100-K multa sa Tagalog-dub ng English films

MULTANG ₱100,000 at pagkakakulong. Ito ang magiging parusa sa mga gumagawa ng “Tagalog dub” sa pelikula at TV shows sa English. Ito ang buod ng House...