33.4 C
Manila
Thursday, January 16, 2025

Mga mag-aaral sa Junior High nangunguna sa datus kapuwa ng mga nagtangka at nagpakamatay

SA inilabas na datus ng Department of Education (DepEd), nangunguna ang mga Junior High School sa mga mag-aaral na nagtangkang magpakamatay at nagpakamatay na nakapaloob sa school year (SY) 2023-2024.

Ang nasabing mga kaso na inilabas ng Office of the Assistant Secretary for Operations-Learners Support Services ay kinabibilangan ng 23,225,125 kabuuang bilang ng mga mag-aaral, kapuwa pampubliko at pribadong mga eskuwelahan at itinala sa bawat rehiyon.

Sa kaso ng pagpapakamatay sa elementarya, nangunguna ang Region 4-B na may 45 na kaso, Region 8 na may 13 kaso, sa Region 11 ay 4, tig-3 kaso naman sa Region 7 at Region 12, tig-2 mga kaso naman sa Region 3, 6, 10 at Cordillera Administrative Region (CAR) at tig-iisang kaso naman sa Region 1, 9, 5 at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Bagama’t iisa lang ang nagpakamatay sa elementarya, nangunguna naman ang BARMM sa lebel ng Junior High School na nakapagtala ng 21 mga kaso at pumapangalawa ang Region 3 na may 14 kaso.

Pangatlo naman ang Region 4-B na may 10 mga kaso, tigsi-siyam naman ang Region 6 at 7, pitong kaso sa National Capital Region (NCR), 6 sa Region 8, tigli-lima naman ang Region 2 at Region 12.

Ang CAR, Region 4-A, 9, 10 at 11 ay nakapag-ulat ng tig-4 na kaso ng pagpapakamatay, samantalang 3 kaso naman sa Caraga Region, at tiggalawang kaso sa Region 1 at 5.

Sa Senior High naman, nakapagtala ng 12 mga kaso ng pagpapakamatay ang Region 7, 10 kaso naman sa Region 6, tigli-5 kaso sa Region 4-A at 10 samantalang 6 na mga kaso ang naitala sa Region 3.

BASAHIN  Lalaking kabilang sa most wanted persons ng Calabarzon, naaresto ng Rizal PNP

May tig-2 mga kaso naman sa CAR, Region 9, Region 8, at Region 12, samantalang tig-iisang kaso ang iniulat ng BARMM, NCR at Region 1.

Sa  kabuuang bilang na 254 pagpapakamatay, 80 ang nagpakamatay na mag-aaral sa elementarya, 113 sa Junior High School at 61 naman ang Senior High School.

Sa kahalintulad na datus, 464 kaso ang naitala ng Region 10 sa bilang ng mga estudyanteng nagtangkang magpakamatay, ayon sa DepEd at sinundan ito ng Region 4-A na may 100 mga kaso sa lebel ng Junior High.

Sinundan ito ng Region 7 na may 168 na kaso, 58 kaso mula sa Region 4-B o MiMaRoPa, 52 kaso sa Region 3, 42 sa NCR, 32 sa Region 11, 23 sa Region 3, 22 sa BARMM, at 19 na mga kaso naman kapuwa sa NCR at Region 12.

Tig-18 kaso naman ang iniulat ng Region 5 at 6, 16 sa Region 8, tisa-sampu naman sa Region 1 at 9 at 7 mga kaso sa Caraga Region.

Sa elementarya, 32 estudyante ang naiulat na nagtangkang magpakamatay sa Region 3, 15 sa Region 5, tigsa-sampu sa CAR at Region 4-B, tigwa-walo sa NCR at Region 12, 2 sa Region 6 at tig-iisa naman sa Region 1, Region 7 at Region 11.

BASAHIN  Face-to-face classes suspendido, libreng sakay inilatag ng Pasig LGU

Sa lebel naman ng Senior High, 88 ang nagtangkang kitlin ang kanilang buhay sa Region 4-A, 50 sa Region 10, 30 sa Region 5, 23 sa Region 7, 21 sa Region 11, 19 sa NCR, 17 sa Region 12 at 16 sa Region 6.

Parehong tig-11 kaso naman sa CAR at Region 8, 10 kaso sa Region 4-B at Region 3, 7 sa Region 9, 4 sa Region 2 at dalawang kaso naman sa Region 1

Batay sa nasabing kabuuang datus, umabot sa 1,492 mga kaso ng mga estudyante na nagtangtangkang magpakamatay na lubos namang ikinabahala ng ahensiya.

Kung ihahambing, tumaas ang kaso ngayong school year dahil sa nakaraang school year 2022 hanggang 2023, mayroon lamang 198 kaso ng mga nagpakamatay at 941 lamang ang nagtangkang magpakamatay.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA