33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

Lagman, kinontra ang mga kontra sa diborsyo

HIHINTAYIN pa ba nating mamatay ang mga inaabusong misis?

Ito ang tanong ni Albay 1st District Rep. Edcel Lagman sa harap ng sinabi ng mga kritiko sa Kamara na sisirain ng diborsyo ang pamilya at pag-aasawa.

Sa plenaryo nitong Peb. 21, ipinagtanggol ni Lagman ang House Bill (HB) No. 9349 o ang “Absolute Divorce Act” mula kay Baguio City Rep. Mark Go at sa iba pang kongresista.

Sinabi ni Go na karaniwan na sa Burkina Faso ang pag-aasawang muli ng mga nagdiborsyo. Nababahala siya na mangyari ito sa bansa kapag naisabatas ang HB No. 9349.

Sinabi ng isang observer na hindi dapat ikumpara ang Burkina Faso sa Pilipinas dahil magkaiba ang kultura, pamayanan, at mga problemang dinaranas ng mga mag-asawa rito. Ang layunin ng diborsyo ay para maikasal muli sa iba. Tila umeepal lamang daw si Go na tila malayong malayo sa katotohanan ang mga sinasabi nito.

BASAHIN  Tony Bennett, umawit ng ‘I Left My Heart in San Francisco,’ pumanaw na

Idiniin ni Lagman na kahit na ang ating Korte Suprema ay pabor sa divorce lalo na sa mga “patay” na pag-aasawa.

“The Supreme Court — in the case of Te versus Te — ruled that the dissolution of a marriage is a welcome interment of a long dead marriage. In other words, we did not destroy in a divorce — the marriage has long been shuttered and has perished for a long time,” dagdag ni Lagman.

Sinabi pa ni Lagman na kapag ang misis ay halos araw-araw na inaabuso at sinasaktan, na maaari niyang ikamatay, bakit daw kailangang maghintay na mamatay ang misis bago siya magkaroon ng kalayaan mula sa toxic at mapanganig na relasyon?

Sinabi naman ni Go na ang mga inabusong asawa ay pwedeng gamitin ang Article 55 ng Family Code na nagsasaad na ang pang-aabuso sa asawa ay magiging basehan sa legal separation.

Tila napahiya si Go nang sinabi ni Lagman na ayon sa batas, hindi pwedeng ikasal muli ang isang asawang hiwalay, kaya wala silang ikalawang pagkakataon na umibig.

BASAHIN  Mga estudyante sa Muntinlupa, nakatanggap na ng school supplies

Ayon sa isang netizen, dapat daw munang dumaan sa isang intensive seminar si Go tungkol sa logic o logical reasoning, para maging katanggap-tanggap ang kanyang mga katwiran at maiwasan ang kahihiyan.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA