VP Duterte, pinuri ang NBDB

Share

PINURI ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte kamakailan ang National Book
Development Board (NBDB) pati na ang publishing industry ng bansa dahil sa patuloy
nitong pagsuporta sa mga estudyante Pilipino.


Binanggit din ni Duterte ang mga awtor – mga taong buong-buhay na naglingkod para
maibahagi ang kanilang nalalaman at kasanayan sa iba. Sila raw ay nagtuturo, nagbibigay-
inspirasyon, at kasiyahan sa pamamagitan ng aklat – fiction man o nonfiction.


Sa Philippine Book Festival (PBF) – na kung saan naging keynote speaker si Duterte –
mahigit 2,000 awtor, publishers, readers at mga bisita mula sa iba’t ibang panig ng bansa
ang dumalo sa okasyon na ginanap sa SMX Convention Center.

BASAHIN  Azurin out, Acorda in

Sa book festival, kinilala at ipinagdiwang ang ating panitikan, mga aklat, kultura, at iba pa.
Ayon pa kay Duterte mahalaga ang PBF sa DepEd dahil sa paglulunsad kamakailan ng
MATATAG Curriculum na nagbibigay importansya sa basic competencies — gaya ng
“writing, reading and comprehension”.


“Our direction is not only for our learners to possess the power of writing and reading, but,
most importantly, for them to value this power as it could help them navigate life
successfully,” aniya pa.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

OEC ng OFWs, gawing libre – Marcos

NAIS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawing libre ang OEC o Overseas EmploymentCertificate para sa mga paalis na Overseas Filipino Workers (OFWs). Sinabi...