Thailand-Cambodia tigil putukan muna

Share

SINIMULAN na ng Thailand at Cambodia ang usapang tigil-putukan muna habang pinag-uusapan ang kanilang girian kaugnay sa pinag-aawayang border dispute kung saan nasa ika-limang araw na ang kaguluhan.

Batay sa huling ulat, mahigit 2,000 katao na ang nagsilikas malapit sa nasabing pinagtatalunang lugar dahil sa sunod-sunod na palitan ng rocket at gun fire.

Ang nasabing pag-uusap ng dalawang bansa ay isinagawa sa Putrajaya, Malaysia kung saan namagitan si Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim, Lunes ng hapon, Hulyo 28.

Dumalo sa nasabing usapang tigil-putukan sina Thailand acting Prime Minister Phumtham Wechayachai at Cambodia Prime Minister Hun Manet.

Ito’y matapos mamagitan si US President Donald Trump at tinawagan kapuwa ang mga lider ng dalawang bansa na ayon sa kaniya ay pumayag naman na mag-usap sa lalong madaling panahon.

BASAHIN  Trump muling nahalal bilang ika-47 pangulo ng U.S.

Bilang kasalukuyang chairman ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), namagitan si Anwar sa naturang pag-uusap kasama ang mga opisyan ng US State Department at ilang delegasyon mula sa bansang China.

Bago nito, inaakusahan ng bawat isa na nagpasimula ng girian hanggang umabot sap unto na nagpalitan na ng putukan mula sa magkabilang panig kung saan hindi naniniwala ang Bangkok na “kumikilos sa paraang tama” ang Phnom Penh.

Sinabi naman ng tagapagsalita ng defense ministry ng Cambodia na si Maly Socheata na nasa ika-limang araw nang sinasakop ng Thailand ang teritoryo nila na may dalang heavy weapons at pagpapakalat ng mga tropang sundalo.

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

Programa para sa seafarers, napag-iwanan na

Kasabay sa paggunita ng UN International Migrant Workers Day, hinimok ni Senador Imee Marcos ang gobyerno na "harapin ng masinsinan ang mga nakakagambalang kaganapan...