Nag-abiso ang Maynilad Water Services Inc., na magpapatupad sila ng water service interruption sa ilang barangay sa Quezon City.
Magsisimula ito bukas, Pebrero 19, na posibleng tumagal hanggang sa araw ng Linggo, February 25.
Kabilang sa mga maaapektuhang lugar ang Barangay NS Amoranto, Paang Bundok, Maharlika, Kapri, Balong Bato, Baesa, Nova Proper at Nagkaisang Nayon.
Paliwanag ng Maynilad, bunsod ito ng kanilang isasagawang pressure tests na bahaging kanilang serbisyo sa West Zone.
Kaugnay nito, hinihikayat ng Maynilad ang mga maaapektuhang residente na mag-ipon ng sapat na supply ng tubig.
Naghanda rin ang Maynilad ng water tankers para magbigay ng tubig sa mga nabanggit na lugar.
Related Posts:
389 Marikeños, nakinabang sa libreng TDC
Seguridad ng urban poor sector palalakasin
Lalaking teenager, nahuli sa Comelec gun ban
Number coding scheme, suspendido sa Pasko at Bagong Taon
MMDA: Number coding scheme, suspendido sa Nobyembre 20
Private vehicles, nangungunang pasaway sa Edsa bus lane —DOTr
Businesswoman na nag-isyu ng talbog na tseke, timbog sa Pasig City
Higit ₱7-M halaga ng marijuana, nasamsam sa mag-jowa sa Mandaluyong City
About Author
Show
comments