Pagre-rehistro ng sasakyan, tataas ng 250%

0

MAGIGING mas mahal ang pagre-rehistro ng sasakyan sakaling maging batas ang 2023 version ng Motor Vehicle User’s Charge (MVUC), na inaprubahan kamakailan ng House Committee on Ways and Means.


Ayon sa panukala, ang isang kotse o sasakyan na may gross vehicle weight (GVW) na hindi lalagpas sa 1,600 kilo ay sisingilin ng P2,080 mula sa kasalukuyang P800, o mahigit 250 percent na pagtaas.


Layunin nang pagtataas na makalikom ng malaking pondo para sa modernisasyon ng
pampublikong sasakyan.


Aamiyendahan ng panukalang batas ang Republic Act No. 8794 o ang MVUC na naisabatas noong
Hunyo 27, 2000.


Sa panukala, magkakaroon ng 50 percent discount ang mga jeep, taxi, bus, at iba pang
pampublikong sasakyan. Hindi kasali sa pagtataas ng registration ang mga motorsiklo at tricycle.


Tinatayang mahigit P150 bilyon ang kikitain ng gobyerno sa susunod na tatlong taon, kapag naisa batas ito

About Author

Show comments

Exit mobile version