Baliwag o BALIWag?

DAHIL sa ginawang katatawanan ang pangalan ng Lungsod ng Baliwag sa isang
TV episode sa GMA-7, nag-react ang mayor nito.


Hindi nagustuhan ni Mayor Ferdie Estrella, Baliwag City (o Baliuag), Bulacan, ang isang eksena sa afternoon drama na “Abot Kamay Na Pangarap”, na kung saan si Jillian Ward ang bida.


Tinukoy ni Estrella sa Pep.ph ang isang eksena sa programang ipinalabas nitong Peb. 14, na kung saan si Moira Tanyag (Pinky Amador) ay naloka habang ito’y naka-bilanggo.


Nang nasaksihan ni Madam Lotus (Jackie Lou Blanco) na nagdediliryo na si Moira, nasambit niya: “Nagdedeliryo na [si Moira], akala mo may kaaway. Papunta na ito sa Baliwag, Bulacan.”


Sa eksena, ipinalit ang salitang “Baliwag” at ginamit bilang salitang balbal para palitan ang salitang “baliw” o naloloka.


Ayon kay Estrella, hindi dapat na ikonekta ang kanilang lungsod para maging tampulan ng katatawanan. Kabaliktaran ito ng tunay na kalagayan ng lungsod na maunlad, at may hitik na kasaysayang maipagmamalaki ng bansa.


Dahil sa reklamo ni Estrella noong Peb. 16, agad na gumawa ng aksyon ang production team ng GMA-7. Hindi malinaw kung nagpadala ang network ng official statement para humingi ng tawad.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...