Natimbog sa ikinasang manhunt operation ng mga otoridad ang isang lalaki na wanted sa kasong sexual abuse.
Dakong 12:45 ng madaling araw nang maaresto si alyas “Lando,” ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa BMBA Compound, Barangay 118.
Ayon kay Caloocan police Chief Col. Ruben Lacuesta, ikinasa ng mga operatiba ng WSS ang pagtugis sa akusado matapos maglabas ng warrant of arrest, na inisyu ni Presiding Judge Barbara Aleli Hernandez Briones ng Family Court Branch 1, Caloocan City noong February 8, 2024, para sa kasong Sexual Abuse sa ilalim ng Sec. 5 (B) ng R.A. 7610.
Nakakulong na ngayon ang akusado sa Custodial Facility Unit ng Caloocan police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte.
Related Posts:
Friday 'Night Market' sa Pasig Palengke hiniling ng mga vendors
3 tulak laglag sa ₱400-K shabu sa San Mateo
Rapist ng 2 bata sa Marikina arestado sa Sorsogon
Kakompetensya ng GrabCar na inDrive sinuspendi ng LTFRB
Pagre-rehistro ng sasakyan, tataas ng 250%
Remulla paiimbestigahan kung pasok sa kasong sedisyon si Alvarez
MMDA: Number coding scheme, suspendido sa Nobyembre 20
P340-K shabu nasabat sa buy bust sa QC
About Author
Show
comments