33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Child Rights Network sumagot sa isyung ‘Dirty Ashtray’ award

DISMAYADO ang Child Rights Network dahil tila pinahahalagahan ang mga tobacco industry kumpara sa kapakanan ng kabataan na kung saan lumalala ang youth ‘vapedemic’ sa bansa.

Sa kakatapos na ika-10 sesyon ng Conference of Parties sa World Health Organization Framework Convention on Tobacco Control (WHO FCTC) sa Panama, naging isyu ang pinaigting na kampanya ng tobacco industry na ibahin ang kahulugan ng “harm reduction” para gawing mas kaakit-akit at katanggap-tanggap ang kanilang electronic nicotine products.

Sinabi nito na hindi kasama sa tunay na harm reduction ang pagpapakilala ng mga bago at nakakaadik na mga produkto sa bukas na merkado para sa parehong naninigarilyo at hindi naninigarilyo.

Hindi rin umano kasama ang pag-target sa mga bata sa pamamagitan ng makabagong marketing para mahikayat sila sa nicotine dependency.

BASAHIN  Child Rights Network nagbabala laban sa vapedemic

Sa pamamagitan ng Vape Law na pabor sa industriya ng tabako, na ipinakita ng delegasyon ng Pilipinas sa Conference of Parties, ay nag-resulta sa mas madaling pag-access ng mga bata sa vapes o e-cigarettes.

Kitang kita na ang murang disposable vapes ay walang habas na ibinebenta online at sa mga kalye, at madalas pa nga na malapit sa mga eskwelahan. 

Ayon sa pinakahuling Global Youth Tobacco Survey, 1 sa 7 batang Pilipino na may edad 13 hanggang 15 ay nanganganib na sa nicotine addiction dahil sa vapes at e-cigarettes.

Patuloy na  magpapalaganap ng kamalayan tungkol sa isyung ito dahil kung patuloy na handang maging tagapagsalita ng tobacco industry ang ating gobyerno ay patuloy na lalaban ang grupo para sa kapakanan ng ating kabataan.

BASAHIN  4,864 Hindi rehistradong sasakyan, natiklo ng LTO

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA