33.4 C
Manila
Monday, July 1, 2024

36 magsing-irog ikinasal sa bisperas ng Araw ng mga Puso

HUMARAP sa altar ang nasa 36 magkasintahan, magsing-irog at mag-live in partner para sabay-sabay na ikasal sa Sacred Heart of Jesus Parish Church, Barangay Addition Hills, Mandaluyong City.

Mula sa programang Kasalang Bayan na handog nina Mandaluyong City Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos, na naging sponsor sa 36 na ikinasal  sa harap ng altar sa bisperas ng Araw ng mga Puso.

“Dasal namin na maging masagana, masaya at matatag ang inyong buhay bilang mag-asawa. Congratulations at best wishes sa inyo!,” ayon kay Mayora.

Kanya-kanyang kuwento at kasiyahan ang nadama ng mga ikinasal na pares dahil suportado sila ng Mandaluyong City government at naging legal ang kanilang pagsasama dahil sa harap ng altar sila ikinasal.

BASAHIN  Masustansiyang cake ipinamahagi ng Mandaluyong LGU sa mga bata, inang buntis

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA