HUMARAP sa altar ang nasa 36 magkasintahan, magsing-irog at mag-live in partner para sabay-sabay na ikasal sa Sacred Heart of Jesus Parish Church, Barangay Addition Hills, Mandaluyong City.
Mula sa programang Kasalang Bayan na handog nina Mandaluyong City Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos, na naging sponsor sa 36 na ikinasal sa harap ng altar sa bisperas ng Araw ng mga Puso.
“Dasal namin na maging masagana, masaya at matatag ang inyong buhay bilang mag-asawa. Congratulations at best wishes sa inyo!,” ayon kay Mayora.
Kanya-kanyang kuwento at kasiyahan ang nadama ng mga ikinasal na pares dahil suportado sila ng Mandaluyong City government at naging legal ang kanilang pagsasama dahil sa harap ng altar sila ikinasal.
Related Posts:
Delivery rider na hinoldap, bilib sa bilis ng pulis
Gun ban, ipatutupad sa 2nd Marcos SONA
Notoryus na carnapper sa Rizal, timbog
Mahigit ₱7-M jackpot prize sa PCSO Lotto 6/42, nasungkit na
Car-free Sundays, inilunsad sa Marikina City
P30-k Multa sa gagamit ng EDSA bus carousel
Pintor sumabit sa kuryente, patay
Kakompetensya ng GrabCar na inDrive sinuspendi ng LTFRB
About Author
Show
comments