2 high value tulak nasakote sa buy bust ng Pasig ops

NASAKOTE ng Pasig City Police katuwang ang Pasig City Anti-Drug Abuse Office (PCADAO) ang dalawa lalaki na kabilang sa listahan ng high value individual matapos ma-trap sa isinagawang buy bust operation, Martes ng umaga sa Barangay Pinagbuhatan.

Sa report mula sa tanggapan ni Pasig City Chief  PCol. Celerino Sacro, inaresto ang dalawang tulak na sina alyas “Uma”, 18-anyos, elementary graduate, residente ng Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City at alyas “Aljo”, 31-anyos,  construction worker, ng Brgy. Bambang, Pasig City.

Inaresto ang dalawa matapos ang pakikipagtransaksyon ng tauhan ng PCADAO bandang 6:05 Martes ng umaga sa kahabaan ng Caliwag Street, Brgy. Pinagbuhatan nang makumpirma sa ginawang surveillances at proper coordination ng mga tauhan ng ,Station Drug Enforcement Unit at Pinagbuhatan Police Sub-Station (SS5).

Nakumpiska ang walong piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu mula kay Uma at dalawang transparent plastic sachet ng shabu kay Aljo at sa pinagsamang timbang na 55 gramo na nagkakahalaga ng P374,000.00 at buy-bust money na tatlong P100 at walong pekeng 1,000.

Dinala ang mga ebidensya sa EPD-Forensic Unit, Mandaluyong City para sa drug test at laboratory examination.

Kinasuhan ng paglabag sa Sections 5 and 11 Article II ng R.A. No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawang suspek.

Samantala, pinarangalan ni Col. Sacro ang patuloy na pagkilos ng  Pasig Elite personnel at Pasig City Anti-Drug Abuse Office laban sa pagsugpo sa illegal na droga.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...