Nasungkit ng isang mananaya ang jackpot prize na ₱7,083,788.60 sa Lotto 6/42 na binola noong Martes.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), tinamaan ng mananayang bumili ng ticket sa lotto outlet sa Quirino Highway, Novaliches, Quezon City ang winning combination numbers na 19-3-11-23-13-17.
Nasa 57 players naman ang wagi ng ₱24,000 para sa second prize, habang 2,092 ang nanalo ng ₱800 at 27,406 mananaya naman ang nanalo ng palit taya o ₱20.
Samantala, wala namang nakakuha sa draw ng Ultra Lotto 6/58 na may premyong pumalo na sa ₱122,079,299.20 at draw ng Super Lotto 6/49 na mayroong ₱58,017,957 na jackpot prize.
Related Posts:
Senior citizens sa Navotas City, makakatanggap ng ₱1,000 birthday gift
P500 multa sa riders na sisilong sa flyover kung umuulan
Marikina, bubuksan ang vax center para sa lahat ng sakit
Child Haus tumanggap ng 1 brand-new 2025 Toyota Tamaraw FX mula sa MMMSFI
High Value Individual, timbog sa 'shabu' sa Taguig
2 holdaper arestado sa Malabon
Planong pagtakbo ni Trillanes bilang alkalde ng Caloocan, inilalatag na
UV Express, jeepney 3 buwan pang aarangkada sa kalsada
About Author
Show
comments