Produksyon ng bangus, tilapia, nanganganib sa El Niño?

NANGANGANIB ang produksyon ng bangus at tilapia dahil sa patuloy na epekto ng El Niño sa bansa.


Ito ay ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources nitong Peb. 14.


Apektado raw ang mga palaisdaan o land-based aquaculture systems sa matinding pag-init o pagbabago sa panahon.


Nagsaayos na araw ng intervention ang BFAR para matulungan ang mga kababayan nating nabubuhay sa produksyon ng bangus, tilapia, at iba pang freshwater fish, ayon kay Nazario Briguera, head, BFAR information and fisherfolk coordination unit.


Ayon ka Briguera, pinalawak nila ang operasyon ng “mariculture parks” o mga palaisdaan na matatagpuan sa lawa, dagat, at baybaying dagat na kung saan matatagpuan ang fish cages. Dito inaalagaan ang semilya ng isda o fingerlings.


“Because it is easy for the water level to drop [down] because it is hot, the rate of evaporation is high, so when we put semen in the fishponds, it should be the right amount only so that the fish do not have tight competition for dissolved oxygen,” dagdag ni Briguera.


Sinabi pa ng BFAR na wala silang natatanggap ng report na may kakulangan sa suplay ng isda bunsod ng epekto ng El Niño. Ito raw ay dahil sa teknikal na tulong na patuloy na ipinaabot ng ahensya sa mga nagpapalaki ng mga isda bago pa man sumapit ang El Niño.


Magmula 2018, patuloy daw na tumataas ang produksyon ng bangus, tilapia, atbp. sa bansa, dahil dito, nananatiling mababa ang presyo nito sa merkado.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...