INILANTAD nitong Martes, ang mahigit 1,000 kasi nang pang-aabusong seksuwal ng mga paring
Katoliko sa Switzerland, magmula sa kalagitnaan ng ika-20 siglo.
Naging paksa ng 12-buwang pag-aaral ang sex abuse ng mga paring Katoliko sa naturang bansa
na lumikha ng iskandalo sa buong Europe.
Sa ulat na inilabas ng Associated Press at Agence-France Presse, halos lahat diumano nang
inakusahan ng sex abuse ay mga lalaki, at halos 70 percent ng mga kaso ay ginawa sa mga minor
de edad.
Ang report ay kinomisyon ng Swiss Conference of Bishops, ay pinangunahan ng dalawang
historiador ng University of Zurich. Pinag-aralan nito ang sex abuse at harassment na ginawa ng
mga paring Katoliko sa buong mundo, sa loob ng ilang dekada. Ito ay labis na naka-perhuwisyo sa
mga biktima, pati na sa kanilang mga pamilya.
Kinilala ng historiador na sina Monika Dommann at Marietta Meier ang 1,002 sitwasyon ng sexual
abuse, at sinabing, “… it’s only the tip of the iceberg.”
Kasama pa sa mga natuklasan na 56 percent sa mga kaso ng sex abuse ay kinasangkutan ng mga
lalaki at batang lalaki, 39 percent, mga babae, at 5 percent ay hindi kinilala ang kasarian.
Libo-libong pahina ng mga sekretong dokumento, ay tinipon ng mga otoridad ng simbahan
magmula sa kalagitnaan ng 1900s. Sinabi rin nina Dommann at Meir na hindi nila napag-aralan
ang ilang mga kaso dahil maraming dokumento ang sinunog para mapagtakpan ang krimen.