Lansakang pagpatay sa Catholic Schools sa Canada

0

Samantala, mahigit 150,000 mga bata na may lahing Indian, ang sapilitang kinuha sa kani-
kanilang tahanan sa iba’t-ibang bahagi ng Canada, magmula 1883-1997, ayon sa Agosto 1, 2021
isyu ng The Scientific American.


Sila ay inilagak sa Indian residential school system, na itinatag diumano para magsagawa ng
genocide o lansakang pagpatay sa libo-libong estudyante nito. Nasa pangangasiwa noon ng
Simbahang Katolika ang mga paaralan.


Ayon sa Truth and Reconciliation Commission ng Canada, sa libo-libong puntod na nahukay, 1,300
lamang ang nakilala. Sa 4,120 estudyanteng namatay, maliit lamang na bahagi ito sa totoong
bilang.


Apat lamang sa mahigit 139 na paaralan sa buong Canada, ang dumaan sa proseso gamit ang
ground-penetrating radar.


Marami sa mga batang Indian ang namatay dahil sa tuberculosis at iba pang sakit, malnutrisyon,
pisikal na pang-aabuso, at mapang-abusong kundisyon sa sapilitang pagtatrabaho.
Noong 2022, pormal na humingi ng tawad si Pope Francis dahil sa seryosong partisipasyon ng
Simbahang Katolika na humantong sa pagkamatay ng mga estudyanteng Indian sa Canadian
schools.


Sinabi ng ilang observers sa Canada na kung sinsero ang Simbahan sa paghingi ng tawad, dapat
daw magbigay nang bayad-pinsala ang Simbahang Katolika sa mga naulila ng mga batang
namatay o pinatay.

About Author

Show comments

Exit mobile version